Ito ay isang device na design ng isang pilipino na pampatipid sa gas fuel ng sasakyan at pampalakas din sa makina. Ang principyo ay combination of thermodynamic properties of water para maghiwalay ang Hydrogen at Oxygen mula sa tubig.
Ito ang mga combinasyon; electrolysis, kinetic motion, pressure and temperature. Ang design na ito ay higit pa kaysa makikita sa youtube dahil ang kanilang design ay nakabatay lamang sa produksyon ng electrolysis.
Ang design ay nagpapahintulot na hindi lamang ang Hydrogen ang papasok sa makina kundi pati hamog ay pinapapasok din. Dahil sa subrang bilis ng velocity ng hangin o kinetic motion walang pagkakataon ang moisture na lalapat sa tubo ng air intake manifold ng makina bagkus ito ay magkakaroon ng proper mixture sa pumapasok na hangin. Kaya ang condition ng hangin na pumapasok ay mixture of fuel, air, hydrogen, oxygen at saka moisture.
Ang hydrogen ay produksyon mula sa device sa pamamagitan ng electrolysis at sa pamagitan ng design, ang moisture ay sasabay din sa hydrogen. Ang moisture ay mahalaga para maiangat ang octane rating ng petrolyo at para tumulong din pagcontrol sa temperatura ng makina. Kapag controlado ang temperatura sa loob ng combustion chamber, hindi stress sa init ang piston, lining ng cylinder at lalo na ang mga engine valves na kung saan yan ang madalas na pinapalitan. Kaya ang over all effect na dulot ng moisture ay long life ng makina.
Ang pinaka tanong na lagi laging unuulit ng marami ay baka masira ang makina. Ating pinapakita sa actual na experiment dito sa video sa ibaba sa pamamagitan ng pagspray sa flame ng nasusunog na gasoline ay kitang kita na lalong lumalakas ang apoy ng pagspray nito. Malinaw ang ibig sabihin na ang moisture ay nasusunog o nagiging fuel din ito kasabay sa gasoline. Alam naman ng lahat na hindi sisindi ang moisture kung mag-isa pero kung ito ay kasabay sa gasoline masusunog ito kasi ang ibig sabihin ng combustion ay change of chemical composition of material. Ang gasoline ay hydrocarbon or C8H18 at ang tubig naman ay H2O, kaya magkakaroon ng panibagong compound sa product na CO, CO2, NO and H2O ulit. Ang ibang Oxygen ay galing sa hangin.
Ang pagkakaalam ng iba ay sa electrolysis lamang ang paraan ng pag hiwalay ng hydrogen at oxygen mula sa tubig. Hindi lang po electrolysis, mayroon pang iba, ang isa dito ay sa pamamagitan ng high temperature. Ang moisture ay mababasag kung ang condition ng init sa hangin ay umabot na ng 300 deg. cent. Ang init ng apoy sa loob ng makina kapag sumindi na ang sparkplug ay mahigit 1000 deg. cen, kaya subra subrang init na ito para mabasag ang moisture na maghihiwalay ang hydrogen at oxygen.
Sa makatuwid hindi lang hydrogen ang naging dagdag na fuel kundi pati ang moisture ay nagiging fuel na rin kaya walang mananatiling moisture sa loob ng cylinder ayon sa pinapakita sa video sa ibaba. Yan ang maliwanag na sagot sa tanong kung makakasira ba sa makina ang device, hindi po makakasira bagkus long life po ng makina ang dulot. Ang sagot na ito ay para lang sa design na ito hindi natin pananagutan ang ibang gawa kasi mamaya gagamit sa ibang gawa na iba naman ang machanics ng device na maaring makakasira din sa makina.
Availabe na ang hybrid unit at open na kung sino man ang gustong magpakabit. Open na rin para doon sa mga gustong maging dealer o maging marketer. Ang purpose ay upang makapag tayo ng mga outlets sa ibat ibang lugar para maabot ang mga nasa malayong lugar para makapagkabit ng device sa kanilang mga sasakyan.
Itong mga nasa listahan ng mga dealers ay iilan pa lamang kaya open pa para sa mga may gusto.
Itong video ay nagpapakita sa actual na experiment na ang tatlong kotsarang gasolina ay nilagyan ng maraming tubig. Lumiyab ito nang sinindihan ng lighter. Habang lumiliyab, inisprayhan ito ng tubig at kitangkita na lalong lumiliyab ito lumalapit pa nga ang apoy sa sprayer.
Ating pinaliwanag itong secreto sa ating mga kapwa pinoy dahil ang imbintong ito ay para sa mga pilipino. May mga nagtatanong kung pariha ba ito sa mga nakikita sa youtube. Ang sagot ay parihas ang purpose dahil kumukuha ng hydrogen mula sa tubig, ngunit ang pagkakaiba ay ang design ng device at paraan paano ito gumagana. Kaya sa design wala itong kapariha. Bawal din gayahin dahil inapply na ito ng patent.
Ano ang deciding factor o advantage kung ikompara ito sa ibang gawa? Ang device na ito ay dumaan sa pagkikilatis sa mga experto sa DOST-IPO samantalang ang iba ay gumaya lang sa tinuro sa youtube. Ang dahilan na hindi ito ginaya sa youtube ay dahil sa durability at maintenance problem. Ang dry cell na makikita sa youtube ay nakalagay mas mababa kesa tanke ng tubig. Ano ang problema sa ganitong arrangement? Dahil kapag gumana na ang electrolysis, lalabas ang mga tining sa tubig at mga kalawang. Ang tubig ay hindi pure H2O, may mga marami pang ibang chemicals at impurities. Makikita ang latak kapag nag-iipon kayo ng tubig sa malaking drum at nastock ito ng ilang araw. Ang stainless din ay may percentage of carbon kaya magrereact ito sa tubig kapag gumana na ang electrolysis to form CO and CH. yun ang dahilan na mag-iipon ang tining doon sa dry cell na nakalocate na mas mababa kesa water tank. Kapag nangyari yun masisira na ang device lalo na kung ang sasakyan ay taxi na minsan inuupahan ng 24 hours. Madaling mapuno ang mga pagitan ng drycell na halos dikit lang. Alin ang mas mapagkatiwalaan; ang dumaas sa DOST at may business license o yung wala. Mahalagang bagay ito sa isang gagamit ng device.
Panoorin at intindihin ang video para kung may sasakyan kayo, makikinabang kayo sa tubig na ang halaga ay halos negligible kung gagamitin ito na pang dagdag sa fuel dahil patak lang ang kailanganin para magamit sa makina.
Ang benepisyo ng paggamit ng tubig ay marami, ito ang mga sumusunod;
1. Pampatipid 25% to 35% savings.2. Pampalakas ng makina.
3. Pampaangat sa Octane rating.
4. Lilinis ang loob ng combustion chamber.
5. Controlado ang temperatura sa loob ng chamber.
6. Lilinis ang buga ng tambutso.
7. Lilinis ang ating hinihingang hangin.
8. Nakakatulong paglutas sa global warming.
9. Gives engine long life.
Imaginin mo ang maraming pakinabang na tubig lang ang makakagawa.
Puede na magpakabit ang may mga sasakyan. Open na rin para sa mga gustong magdealer at yung gustong maging marketer.
Kung gusto mag message, bumisita lang sa FB page "Tubig Fuel Supplement Pag-asa ng Pilipino".
No comments:
Post a Comment