Monday, July 24, 2017

Tubig Fuel Saver sa Sasakyan ay Hindi Kopya at Walang kapariha, open for dealers

May nagtanong papano ito nakaapply ng patent samantalang maraming ganito sa youtube? Tama, parihas ang purpose, device para magproduce ng hydrogen. Ano ang pagkakaiba? Ang topic ng nasa video sa ibaba ay pinapaliwanag ang pagkakaiba.

Halos lahat ng nasa youtube, at sa dinamidaming nagpapakita ng gawa nila pero iisa lang ang design. Ang tawag nila ay HHO. Ang usual na arrangement ng installation nila ay ang water tank ay nakalagay sa bandang itaas at ihahanap nila ng location ang dry cell na mas mababa ang elevation. Yan talaga ang pueding arrangement dahil kung nasa itaas ang drycell hindi gagana ang system dahil ang hydrogen generation kailangan manggagaling sa drycell na kung saan ang tubig ay dumadaloy doon.

Ano ang problema kung ang dry cell ay nasa badang ilalim?

Ang dry cell ay kailangan nakabolt or nakafixed sa makina kaya ang problema ay sa panahon ng mayroong repair na gagawin sa sasakyan kailangan itong tatangalin. Usually ang mga may-ari ng sasakyan ay hindi gumagawa, iuutos lamang ito sa auto mechanics. Ang auto mechanics ay naghahabol sa kanyang trabaho na makatapos kaya kung hindi mo mabantayan barabara ang gawa hindi niya iingatan ang device dahil hindi naman kasama sa trabaho nya ang device liban kung sa kasa magpagawa may kunting pag-iingat. Kaya nga karaniwan kapag ginalaw ng mechaniko ang sasakyan, pagnaayos na pangit na tingnan kasi hindi na naibalik ang dating magandang arrangement kasi yun lang ang level ng kanilang pag-iisip minsan walang quality basta lang gumana.

Hindi alam ng mechaniko yung device mo kung paano ito gumana, kaya maaring mag leak ang hose connection ng pagtangal nito kasi hindi naingatan o kaya nagkaroon ng ground ang system kasi hindi nya kabisado ang device. Kaya ang unang problema ay sagabal sa maintenance ang karaniwan na installation.

Ang pangalawang problema ay mapupuno ng tining ang dry cell. Dahil ito ay kailangang ilagay na mas mababa na location kesa water tank, ang mga tining ng tubig ay mag-iipon sa doon sa dry cell. Saan galing ang tining? Liban kung ang tubig ay miniral water, ang tubig ay normal na may tining. Mag stock ka ng tubig sa drum at istock ito ng ilang araw lalabas ang mga tining.

Ang pangalawang dahilan ng tining ay sa time ng electrolysis. Ang stainless lalo na kung hindi high grade or hindi 316L ay malakas mag react sa catalyst kasi mag form ito ng panibagong product mula sa carbon na mayroon ang stainless. Kaya ang tining na galing sa elstrolysis ay metal. Kapag maipon na ito sa mga pagitan ng plates ng dry cell magiging grounded na ang system. Ito ang dahilan na masira ang pulse width modulator (PWM). Ang price ng PWM ay naglalaro sa 6,500 pesos to 7,000 pesos plus charge ng pagpapadala. Kung tatamarin ang may-ari ng sasakyan para maayos ang device kasi baka iisipin nya na masira na naman, maaring tatangalin na lang niya ang device kasi parang dagdag lang ng problema at dagdag gstus ng malaking halaga tulad ng ganyang pangyayari at wala ding mabilhan sa malapit.

Ang ganyang mga sitwasyon na nabangit sa itaas ang maaring dahilan na hindi nagboom ang HHO kahit matagal na ang ganitong device. Kaya kung nabili ang device ng mura lalo pang tuloy lumaki ang gastus at damage pa sa abala sa araw ng pag-aasikaso sa device. Yan ang value sa design.

Ano ang pagkakaiba sa design at proposal ng Water Fuel Saver?

Ang unang feature ay simplified design kaya mas madali itong gawin. Ang device ay nakabracket lamang at nakalagay sa bandang itaas. Kaya sa panahon na may gagawing maintenence, ang device ay kayang tangalin within ten minutes dahil nakalagay nga lang ito sa bracket.

Ang pangalawang feature, ang device ay mayroong drain point kaya pueding every week idrain ang device sa mga tining.

Ang pangatlong feature , ang dry cell ay optional depende kung may available na space. Ang dry cell kung nakasama sa system, nakalagay ito sa itaas kaya walang chance ang magkakaroon ng tining, At ang dumadaan sa dry cell ay vapor  hindi liquid water.

Ang pang-apat na advantage ay magkakaroon ng mga dealers sa local areas kung saan may nakatalagang mga technicians na nagtatrabaho. Kung may-aayosin madaling puntahan sa mga dealers.

Nakikita natin na may malaking pagkakaiba. Kung ano ang maaaring problema sa usual ng gawa ng iba, yan ang iniwasan dito sa design ng water fuel saver. Kaya iba ito kesa mga nakikita sa youtube at wala pang kaparihas. Ito ang pinakasagot bakit nakapag-apply ang design na ito ng patent. Hindi rin pueding gayahin dahil milyones ang danyos sa mga nanggaya sa patented product.

Nabangit sa itaas na mayroong mga dealers na itatalaga sa mga local areas. Sa ngayon marami pang lugar ang wala pang dealers kaya open pa kung sino ang may gustong maging dealer. Mayroon din mga marketers pero ang kita ng mga dealers ay triple kesa mga marketers. Ganoon pa man ang kita ng mga marketers ay pueding umabot ng milyon. Pinakita ang formula doon isang video na nakapost sa page.

Ang gustong magmessage pueding bumisita sa page Tubig Fuel Supplement Pag-asa ng Pag-inlad ng Pilipino.



No comments:

Post a Comment