Kaya ka magpapakabit ng saving device dahil gusto mong makakasave sa iyong gas kaya ang 1.) una sa lahat ay ang savings.
Kailangan magrecord kayo sa sarili nyo comparison sa walang device vs gumagana yung device.
Bakit?
Dahil pueding sinasabi ng manufacturer na 60% ang savings
pero hindi totoo. Tulad ng naibalita sa TV na wala naman daw itong epekto. Dahil po upang mangyari yun, mayroon po malalim na kaalaman patungkol sa makina paano magagawa ito. Kung gagaya lamang po sa youtube paano nila ito kinabit posibling wala pong savings, hindi lumakas ang makina at hindi rin nakakaalis ng carbon.
Totoo po na kung tama ang pagkagawa ng device nakakapagsave ito, lalakas ang makina at nag-aalis ng carbon. Pero para mangyari ito may mga ibang bagay pa at yan ay trade secret.
2.) Pangalawang major issue ay ang maintenance. Upang humaba ang buhay ng device ay kailangan imaintain ito dahil may mga lalabas na mga sediments na magpollute sa water solution na kung hindi ito laging maalis magiging grounded ang system dahil ito po metal.
At dapat ang device ay hindi sagabal at madaling tangalin. Kung komplicado ang installation at mahirap tanglin, magiging pampatagal pa lalo sa pagmaintain ng sasakyan sa panahon ng may peyesang papalitan.
3.) Ang pangatlong major issue ay durability of the device. Karamihan ay nakatingin lamang sa ganda ng porma ng pagkagawa pero ang tanong kapag nakalagay ito sa loob ng hood dahil mainit ang puesto, makakasustain ba sa init or microwavable ba ang material? Kung hindi microwavable posibling madideform ito.
Ang iba naman mahilig sa electronic parts. Ang problema sa elecronic parts lalo kung sa sasakyan ang paggagamitan, kung hindi ito made in Japan or US hindi magtatagal ang peyesa. Ito ang dahilan na magiging maiksi lamang ang buhay ng boong device. Kung malayo kayo sa manufacturer magbibigay ito ng problema dahil hindi na gagana ang device mo.
Yan ang mga bagay na inyong iisipin para hindi kayo matulad sa binalita sa TV na hindi na tuloy siya gumamit ng device dahil sa mga nabangit sa itaas na mga problema.
Atin pong sinusuportahan na totoo po na makakasave kayo malaki pero tingnan nyo kung saan at kanino kayo magpapakabit.
Kung hindi nyo napanood yung binalita sa TV ito yung link; Tubig na gasolina pumalpak.
No comments:
Post a Comment