Monday, November 6, 2017

Presyo ng Petrolyo Tumaas Uli

Dagdag sa presyo ng produktong petrolyo, nagbabadya

ABS-CBN News
Posted at Nov 04 2017 09:18 PM

Tinatayang magkakaroon muli ng pagtaas sa presyo sa lahat ng produktong petrolyo sa susunod na linggo. 
Maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang magiging dagdag sa presyo sa gasolina.
Sa diesel naman, tinatayang P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang pag-angat sa presyo.
Nasa P0.70 hanggang P0.80 kada litro naman ang tantiyang imamahal ng kerosene.
  
Tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo 
 Gasolina – P0.80-P0.90/litro
 Diesel – P0.50-P0.60/litro
 Kerosene – P0.70-P0.80/litro
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng lahat ng produktong petrolyo.
Mula Oktubre 16, P1.10 kada litro na ang nadagdag sa presyo ng gasolina habang P0.60 kada litro naman sa diesel.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
To know more about alternative energy devices just visit the site below; 

No comments:

Post a Comment