Ang pagkakulang sa kaalaman ang dahilan ng pagdududa patungkol sa paggamit ng hydrogen. Talakayin dito ang dalawa sa maraming good properties ng hydrogen kung bakit ito ay magandang gamitin bilang fuel.
Ang una ay patungkol sa Octane rating. Ipapakita ang komparasyon dito sa table sa ibaba.
Maliwanag ayun sa table na ang octane rating ng gasoline ay 87 lamang kompara sa hydrogen na 130.
Ano ang ibig sabihin nito?
Ang isang problema ng makina ay mahinang pwersa dahil nawawala sa tyempo kapag matagal na ang andar at subrang init na ng makina. Dahil sa init, hindi pa nga nag-detonite ang sparkplug nagsindi na ito kaagad, ang tawag nito ay engine knocking or pagkatok.
Yan ang dahilan na lalagyan ito ng Octane upang hindi kaagad mag-autoignite, na makarating muna sa top level ang piston at ang sparkplug ang magsindi to create power. Ganoon pa man ang pinakamataas na maibibigay ng Octane ay 100 lamang ayun sa table.
Tingnan nyo ang rating ng Hydrogen, ito ay 130. Ang datang ito ay maliwanag na nagsasabi na napakaipiktibo nito upang hindi kaagad mag-autoignite ang fuel. Sa makatuwid napakaganda ng ipikto sa makina na ma maximize nito ang potential power ng fuel.
Ang pangalawang tutukuyin natin ay ang property na flammability ng Hydrogen. Ano ang ibig sabihin nito?
Tingnan muna natin sa dalawa pang graph.
Ano ang ipinahiwatig ng mga graph na ito?
Ang ipinkikita sa dalawang iyan ay iisa ang sinasabi. Kung titingnan nyo ang flammability ng gasoline kompara sa Hydrogen napakalaki ng agwat. Ayun sa mga graph kapag nagsiklab ang gasoline 7.6% lamang ng area ang matutupok samantalang sa Hydrogen ay 75%. Ganoon kalawak maaabot ng Hydrogen.
Sa makatuwid, sa loob ng makina ang daming fuel ng gasolina ang hindi nasusunog ayun sa mga graph. Ngayon kung ang containment ay hahaluan ng kahit 4% ng hydrogen, kahit sa ganoon ka kunti ng hydrogen gas ang ihahalo magiging ipiktibo ang efficiency ng conbustion sa loob ng cylinder ng makina. Ngayon naintindihan natin ang kagandahang maidudulot kung gagamit tayo ng Hydrogen dagdag sa fuel gas sa makina.
Sa topic na ito, dalawa lamang muna ang ating binangit sa marami pang ibang properties ng Hydrogen, ngunit nakikita na kaagad ang napakagandang dulot ng hydrogen sa makina.
Ayun sa ipinakita, maliwanag na sa pamamagitan ng paggamit ng device na water fuel saver, gaganda ang andar ng makina, mababawasan ang unburned gases na ilalabas sa tambutso at sa pangkalahatan, magbibigay ng magandang ipikto sa makina.
Kapag mailabas na ang testing ng device sa DOST, mag focus na tayo sa marketing ng device upang makinabang ang sino mang gagamit nito.
Gaganda ang takbo ng makina, mawawala ang usok, nakakasave ka na sa fuel, at puede pang kumita ng malaki kung kayo ay magsasabi sa iba bilang suporta ng imbintong " water fuel saver".